Thursday, November 13, 2008

Aktibismo


Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan,
Mabuti pa rin ba sa mata ng mamamayan?

Kung oo, hayaan nating ipagpatuloy ang gawain
ng mga sinungaling, ganid at sakim

Kung hindi! aba kung ako sayo'y mag-iisip-isip na ako!
Matagal na pala akong niloloko ng gobyerno!

Tao, wag kang maging bulag sa matagal mo nang nakikita!

Wag kang maging bingi sa lahat ng nailahad na mga balita!

Wag mo hayaang ika'y maging duwag upang hindi na makapagsalita!

Kahit ang pagkilos ma'y masama sa tingin ng madla,
Nararapat lamang na ito'y panghawakan pagkat ito'y tama.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...