Ako si Jepjep, sampung taong gulang, palaboy, at ulila sa ina. Ni minsan di ko natikman ang mabuhay ng inaalagaan ng isang ina. Bata pa lang daw ako nung magpatiwakal ang aking nanay. Ang kwento ng chismosa kong tyahen sakin, yung nanay ko di na raw nakatiis sa grabeng hirap ng buhay - kakaramput na pagkain, lubog sa utang, kahit pambili ng singkong asin mahirap mahanap. Panahon daw kasi nun nung nawalan ng trabaho ang tatay. Natapos na daw kasi yung kontrata niya sa pinapasukan niyang kumpanya. Medyo matagal din siyang hindi nakakita ng trabaho. Kaya ayun, si nanay...
Si tatay naman mabait, yun nga lang, pag umuuwi siyang lasing parating nagagalit at nanggugulpi. Kaya nga andito ako sa kalye ngayon, tatambay-tambay kasama si Boy. Takot ako, baka kasi galit na naman si tatay pag-uwi niya mamaya. Wala na kasing maisasaing eh, wala nang bigas (naubos kaninang umaga).
"Oy Jepjep, tignan mo yun oh" sabi ni Boy sabay kuhit sa likod ko. Napalingon naman ako agad. Unang nasilayan ko - mga taong nagtipon-tipon at isang malaking piktyur ng demonyo. Kahit malayo, litaw parin ang mukha ng nasa piktyur.
"Ano yan?" tanong ko kay Boy sabay kamut sa batok. "Si Gloria yan tange! Siya daw presidente ng Pilipinas, lika lapit tayo!" sagot niya habang kumaripas ang takbo papunta sa mga taong nagbubuhat nung dambuhalang larawan ng demonyo. Ayokong magpaiwan kaya sumunod ako kay Boy. Nasa malapit na kami nung malaking piktyur ng demonyo nang nakuha ang atensyon ko ng malalakas na mga sigaw...
"Gloria, Tuta!", paulit-ulit na sigaw ng mga taong nagtitipon (hula ko mga estudyante sila base sa anyo nila). May dala-dala silang parisukat na kartong papel na may mga titik at guhit. Matagal nakong hindi nagsasanay magbasa eh, hanggang grade 1 lang kasi natapos ko at matagal ko nang nakalimutan ang turo ni teacher. Minabuti kong ipabasa kay Boy kung anong nakasulat sa parisukat na kartong papel. Ang sabi niya, 'Ust JMA!'. Basta parang ganon, si Boy kasi nakaabot pa ng grade 3 kaya mas bihasa siyang magbasa at sumulat kesa sa akin.
Hindi nagtagal me biglang lumapit na mama, mapayat at matangkad, at medyo maiksi ang buhok. Nagpakilala siyang siya si kuya Bel. Tinanong niya kung gusto ba naming sumama ni Boy sa kanilang rali, magmamartsa daw sila. Wala naman kaming pinagkakaabalahan ni Boy ngayon at ayaw ko pang umuwi kaya okey lang na sumama kami (mukhang enjoy naman sumama eh). Binigyan kami nung kartong papel ni kuya Bel matapos akong nagpakita ng positibong pagsang-ayon sa tanong niya. Medyo malaki yung parisukat na kartong papel, kinailangan kong abutin ang bawat dulo nito. Hawak-hawak ko yung parisukat na kartong papel habang labas ngipin ang ngiti ko kay Boy (nasisiyahan ako sa ginagawa namin parang naglalaro lang kami). Nagsimula na kaming maglakad. Nagmartsa kami mula sa tapat ng isang eskwelahan at medyo malayo ang nilakad namin - pinawisan nga ako.
Habang naglalakad, panay sigaw ng mga taong kasama namin. "Gloria, ibagsak!" sa kana't kaliwa. Nasa harap ko ang malaking piktyur ng demonyo. Di ko maiwasang mapatingala at tignang mabuti ang piktyur (kasi parang nakita ko na yung mukha na yun dati). Ang ingay namin kasi pati mga tao sa gilid nung kalsada napapalingon din samin. Marami sa kanila bumabati, at nakikisabay, marami ding nagmamasid lang. Nung naglalakad kami, napatanong bigla si kuya Bel kung anong mga pangalan namin. Tingin ko hindi naman siya mukhang masamang tao kaya't minabuti kong sumagot para sa amin ni Boy.
Dumating na nga kami sa lugar kung san kami hihinto at pipila ng nakahanay - dala-dala yung mga kartong papel, flags at yung malaking piktyur. Wala akong masyadong matandaang nakasulat dun sa mga flags maliban dun sa pula na may mga malalaking titik na LF at S. Nagpaalam sandali si kuya Bel, tapos bigla niyang hinawakan yung parang microphone (kasi lumalakas yung tunog kapag nagsalita ka habang itinatapat mu yung bibig mo dun), at naglakad papuntang gitna - tamang tama para siya'y makita.
Nagsalita na si kuya Bel, nawala yung maamo niyang mukha at para siyang galit, parang si tatay. Medyo mahaba yung ulat niya pero nakikinig naman ako. Bukam bibig ni kuya si Gloria - tingin ko yun ang kinakausap niya. Nalaman ko na siya pala ang dahilan ba't kami andito, nakalinya at nagsasalaysay ng mga hinanaing namin. Nasabi niya na maraming naghihirap ngayon subalit wala man lang ginagawa si Gloria. Tama si kuya Bel, marami na ngang naghihirap at tingin ko kasama kami ni Boy dun. Kasi minsan, isang beses lang akong kumain eh minsan ganun din si Boy. Wala naman kasi akong pambili ng bigas, mahal pa naman ang kilo ngayon.
Nakita ko panay turo ni kuya sa amin ni Boy. Sinasabi niya na si gobyerno ay walang inatupag kundi nagpakasasa sa pagpapayaman. Wala daw siyang plano na tulungan ang mga dukha, dugtong ni kuya Bel. Magulo pero medyo nauunawaan ko si kuya. Anong malay ko ba't nabanggit niya si gobyerno, di ko naman siya kilala. Pero tantya ko, si gobyerno si Gloria - yung demonyong mukha sa malaking larawan.
Habang nagsasalita si kuya Bel, nagmamasid ako sa palibot. May isa mula sa hanay namin, nag-aabot ng mga papel sa mga dumadaan. Yung isa namang mama, nakaitim ang damit tapos me sombrero at sheyds biglang nilapitan si kuya Bel at nagpiktyur gamit ang cellphone niya - di namin siya kasama.
Natapos nang magsalita si kuya, sinubaybayan ko kung san ang tungo niya. Papunta sa lalaking me hawak ng maykropon. Sa likod nung lalaki meron ding lalaking me karga-kargang kamera (alam kong kamera yun, nakakita nako ng ganun minsan nung nakikinood ako ng Wowowee sa kapitbahay). Nagpalitan sila ng salita at nagkamustahan pagkatapos.
Matapos makipagkwentuhan ni kuya Bel sa mama, isa-isa kaming inabutan ng sirang kamatis. Pumagitna yung humahawak ng malaking litrato ng demonyo. Nang magbigay ng senyales ang kasama namin, naglipana ang mga kamatis sa kaliwa't kanan at likuran ko. Lahat dumapo sa malaking mukha ni Gloria, isa-isang nawawasak. Hindi naman kami nagpahuli ni Boy, inilapag ko ang kartong papel na hawak ko at binato ko yung ilong niya - sa may nunal. Ang sarap sa pakiramdam, nabitin nga ako't naubos ang mga kamatis.
Nagsimula na kaming mag-empake pauwi nung balikan kami ni kuya Bel. Humingi siya ng sori at naiwan niya kami ni Boy kanina. Habang nagbabalot ng mga dala-dalang gamit, panay salita ni kuya Bel sa min (wla na yung galit niyang mukha). Nagkwento siya samin, sabi niya dapat nag-aaral daw kami ngayon at hindi na raw namin problema kung san huhugot ng panggasto dun - problema na daw ni gobyerno, ni Gloria. Sana nga makapagtapos ako ng pag-aaral, pangarap kong maging abogado (ipagtatanggol ko ang mga inaapi). Pero di nako umaasa, kasi tingin ko hanggang pangarap nalang yun eh. Sabi ni kuya Bel sira daw kasi yung sistema ng lipunan, tinatakda ng US at ni gobyerno kaya't maraming naghihirap at nagugutom. Medyo hindi ko siya maintindihan pero parang nakuha ko na kung anong ibig niyang sabihin - ang sistema ang nagpapahirap sa amin.
Natapos na kaming magbalot, niyaya kami ni kuya Bel na sumabay na sa kanila pauwi, kakain raw muna ng hapunan. Gutom narin ako at tinanong ko si Boy kung ano say niya (panay tango niya ibig sabihin oo). Nagngitian kaming dalawa ni Boy, natutuwa kami dahil meron na kaming bagong natutuna't nakilala, me libreng pagkain pa! Sana sa susunod na rali makasama kami uli - tulad nang ganito. Gusto ko pa kasing matuto. Balang araw, magiging kagaya din ako ni kuya Bel - di man siya abogado, ipinagtatanggol niya naman kaming mahihirap!
Balang araw...

No comments:
Post a Comment